My sincerest apologies to those who doesn't understand Filipino or Tagalog.
This post is my way of reminding myself that I need to practice more using proper Tagalog words. If you are somehow curious to know what the post is all about, it's a funny way of describing my misadventures with a pesky insect, the ant. Don't worry I will try my best to translate. I'll be your humble translator. Speaking of translators, here's a funny quote from a brilliant movie.
I implore you to forgive my speaking of English, Jonfen...
...as I'm not so premium with it. - Alexander Perchov (Everything is Illuminated)
Liham na lumalarawan sa labanang walang humpay sa pagitan ng langgam at tao.
(A letter that describes the never-ending battle between ants and humans.)
Ang Nagkakaila (Disclaimer):
Kung may mga pangungusap na di maunawaan ito marahil ay dulot ng kagat ng langgam.
(If there are sentences that you do not understand, it's probably caused by the ant bites.)
..at dito po nagsimula ang maaksyong mga eksena. (and here is where the action scene begins..) haha, nakakatawa mag-translate..(haha, it's so funny to translate..) Even more hahahaha...
Ang daming langgam sa lababo at kalan! (There are so many ants in the sink and stove!)
Naglinis ako ng lutuan pati sa may lalagyan ng tubig. (I cleaned the cooking area as well as the water jug.)
Parang pagkaing bulok ang baho ng placemat dahil basa ito at may sebo pang kasama. (The placemat smelled like rotten food as it was all wet and oily.)
Masakit pa rin ang kanang palad ko gawa ng lason ng langgam na bumiktima sa akin nitong tanghali dahil sa walang malay na paghawak sa kalderong may misua na sinabotahe na pala ng mga pulang langgam.
(My right palm still hurts from the ant that bit me this afternoon while I unknowingly held the pot with the noodle egg soup that the ants have already sabotaged.)
Nilinis ko ang mga placemat at ngayon ay pinatutuyo.
(I cleaned the placemat and let it dry.)
Nilinis ko din ang paligid ng lababo. (I also cleaned the areas surrounding the sink.)
May hugasan parin sa gitna, at pigilan mong banggitin ko at simulang isa-isahin ang problema sa marungis at kalawanging lalabong iyan. (There are still dishes in the middle, don't get me started on the various issues of that dirty and rusty sink)
Nilagay ko ang lalagyan ng mantika sa puting lalagyan ng anik anik at nilagyan ng tubig na may likido ng joy.
(I placed the oil bottle in the bowl for just about anything and put water with joy liquid - joy dishwashing liguid)
Nilagay sa gitna ang mantikang pinalibutan ng langgam sa leeg nito.
(I put in the middle the oil bottle with lots of ants surrounding its neck.)
Tinatadtad ko ng baking powder ang paligid at naglaglagan ang mga lintik na langgam na parang nahulog sa tuktok ng bundok patungo sa ilog ng likido ng joy at tubig na tila lason sa kanila dahil wala pang ilang segundo ay kumulubot na ang mga ito at namatay. (I filled it's surroundings with baking soda and the pesky ants fell off one by one as if it fell from a mountain towards the river of joy liquid with water which seemed like poison to them as they curled up and died in just a few seconds)
Pilit kong nilinis ang lutuan sa pamamagitan ng espongha na may likido ng joy.
(I strived to really clean the cooking area with a sponge filled with joy liquid)
Sinundan ko ang mga yapak ng mga langgam at dinala ako nito sa dulo ng maruming sipilyong panglinis ng kung-ano.
(I followed the path of the ants and it brought me to a very grimy toothbrush for cleaning stuff and what-not).
Ang sebo nito malamang ang gusto ng langgam. (The grease probably attracted the ants)
Pansin kong mantika ang puntirya nilang talaga. (I noticed they are really aiming for the oil)
Ngunit bakit langis ang iniimbak ng mga ito, at hindi ang asukal. (But why do they choose to store oil and not sugar)
Nagtaas na rin ba ang presyo ng langis sa mundo ng mga langgam? (Is there an oil price increase as well in the world of ants?)
Marami rami din akong langgam na napatay kanina. (I probably killed quite a number of ants a while ago)
Ngayon ay pinatutuyo ko na ang lababo at lutuan. (Now, I left the sink and the cooking area out to dry)
Bago ako umupo sa silya ay napansin kong mas namaga ang aking kamay. (Before I sat on a chair I noticed that my hands became more sore)
Ngayon, di lamang palad ko ang namaga kundi sa ibabaw ng kamay ko malapit sa singsing. (Now, my palm isn't the only part that is sore but the top of my hand near the ring as well.)
Parang namanas. (Like it's all swelled up)
May langgam na nagbuwis ng buhay para makaganti kanina, habang masugid akong naglilinis.
(There is an ant who risked his life for vengeance while I am fervently cleaning.)
Sinamantala niya ang mga sandaling nakatuon ang atensyon ko sa pag-is-is ng sebo sa paligid.
(He took the chance while my attention is directed to scrubbing all the grime around)
Kung nasan man siya ngayon, marahil ay hinirang siyang bayani ng mga pulang langgam sa nangyaring engkwentro kanina.
(Wherever it is now, it may have been tagged as a hero of the red ants from the recent encounter earlier)
Nag-iisip ako ngayon kung paano ko su-solusyonan ang problemang ito.
(I am now thinking of how to resolve this issue)
Di pa tapos ang digmaan.
(The battle is not over yet)
May araw ka rin langgam!
(You'll have your day too Ant!)
No comments:
Post a Comment